Sunday, June 23, 2013

Gustong Maghabol sa Asawa, Pero Walang Anak

Dear Atty. Acosta,
KASAL PO ako ng 10 years pero 4 years lang po kaming nagsama ng aking asawa. Sa loob ng 4 na taong iyon ay hindi pa kami palaging magkasama dahil siya ay isang seaman at laging nasa labas ng bansa.
Naghiwalay po kami dahil sa simpleng away lamang at dala na rin ng pakikisawsaw ng ibang tao. Umalis po ako ng bansa noon upang makalimot sa masakit na mga ibinibintang sa akin ng aking asawa. Pagbalik ko rito sa Pilipinas ay nais ko sanang makipag-balikan sa kanya ngunit ayaw na po niya.
Ito po ang aking mga katanungan, may karapatan po ba akong maghabol sa asawa ko kahit wala kaming anak? Gusto ko po kasing maghabol sa kanya bilang isang asawa dahil hindi naman annulled ang aming kasal.
P’wede ko po bang kasuhan ang mga taong sumulat sa aking asawa ng mga paninira laban sa akin? Ano po ba ang dapat kong ikaso?
Tama po ba ‘yung ginawa niya na putulin ang allotment niya sa akin kasi raw baka gamitin ko lang sa mga kamag-anak ko? Isa pa po, may pinapirmahan sa akin ang aking asawa na nagsasaad na wala na raw akong karapatan sa anumang nabili niyang ari-arian. May bisa po ba iyon?
After 7 years po ba ng aming hiwalayan ay p’wede na po bang mag-asawa ang isa sa amin kahit hindi po annulled ang kasal namin?
Misis Ana 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment