Friday, July 12, 2013

Tumatangging Sustentuhan ang Anak

Dear Chief Acosta,
NAIS KO lang pong isangguni ang aking suliranin. Kasal at hiwalay po kami ng aking asawa at mayroon po kaming isang anak. Inobliga ko siya na kahit hiwalay na kami ay dapat sustentuhan niya kahit na ang bata na lamang. Subalit lagi niyang katuwiran sa akin na gagastusan niya lang ang bata sa tuwing hihiramin niya. Kapag nasa poder ko ang bata ay wala na siyang obligasyon.
Hindi po ako pumayag dahil sa alam kong may karapatan ang anak ko at obligasyon niya naman talaga iyon. Isa pa kung ipipilit ko raw ang  gusto ko ay hindi niya na lang kukunin ang bata. Kaya mula po noon ay pinabayaan na niya nang tuluyan ang bata. Sa ngayon, nakumpirma ko na nasa ibang bansa siya nagtatrabaho kasama ang kinakasama niya. 
Sinubukan ko po siyang makontak para sa obligasyon niya subalit hindi niya naman ito pinapansin. May nagsabi po sa akin na puwede raw po akong magpadala ng demand letter sa kanya para sa sustento ng bata. Tama po ba iyon? At paano kapag binale-wala pa rin niya ang demand letter? Ano po ba ang dapat kong gawing hakbang? Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

No comments:

Post a Comment