Dear Chief Acosta,
NAIS KO lang pong isangguni ang aking
suliranin. Kasal at hiwalay po kami ng aking asawa at mayroon po kaming
isang anak. Inobliga ko siya na kahit hiwalay na kami ay dapat
sustentuhan niya kahit na ang bata na lamang. Subalit lagi niyang
katuwiran sa akin na gagastusan niya lang ang bata sa tuwing hihiramin
niya. Kapag nasa poder ko ang bata ay wala na siyang obligasyon.
Hindi po ako pumayag dahil sa alam kong may karapatan ang anak ko
at obligasyon niya naman talaga iyon. Isa pa kung ipipilit ko raw ang
gusto ko ay hindi niya na lang kukunin ang bata. Kaya mula po noon ay
pinabayaan na niya nang tuluyan ang bata. Sa ngayon, nakumpirma ko na
nasa ibang bansa siya nagtatrabaho kasama ang kinakasama niya.
Sinubukan ko po siyang makontak para sa obligasyon niya subalit
hindi niya naman ito pinapansin. May nagsabi po sa akin na puwede raw po
akong magpadala ng demand letter sa kanya para sa sustento ng bata.
Tama po ba iyon? At paano kapag binale-wala pa rin niya ang demand
letter? Ano po ba ang dapat kong gawing hakbang? Sana po ay matulungan
ninyo ako. Salamat po.
Showing posts with label Family Code. Show all posts

Friday, July 12, 2013
Monday, July 8, 2013
Gustong Madaliin ang Pagpapakasal
Dear Chief Acosta,
NAIS NA po naming magpakasal ng aking nobyo. Ang sabi ng aking kaibigan ay kailangan pa raw naming magpaalam sa aming mga magulang at kailangan naming kumuha ng lisensya. Sa huwes lamang po kami magpapakasal. Kailangan pa po ba namin ang lahat ng ito? Sa susunod na buwan na po sana namin planong magpakasal. Ang inaalala namin ay maaaring magahol kami sa oras at makadagdag pa ito sa aming gastusin. Sana ay maliwanagan po ninyo kami.
Umaasa at gumagalang,

Friday, April 12, 2013
Ikinasal Nang Wala sa Hustong Gulang
Dear Atty. Acosta,
LABING PITONG taong gulang ako noong magpakasal kami sa Huwes ng naging asawa ko. Mula sa paaralan ko ay diretso po kami sa sinasabi niya na magkakasal sa amin. Pagdating namin ay kasal agad. Walang ibang papeles o requirements na hinanap. Ang babaeng napangasawa ko ay 22 taong gulang naman. Dinaya po ang edad ko.
Matagal na po kaming hiwalay ng asawa ko sa madaming kadahilanan. Sa ngayon po ay may kanya-kanya na kaming buhay. At gusto ko na rin pong magpakasal sa kinakasama ko. Gusto kong mapawalang-bisa ang nauna kong kasal. Declaration of Nullity of Marriage po ba ang dapat kong i-file? Puwede po ba akong kumuha ng PAO lawyer?
Gumagalang,

Subscribe to:
Posts (Atom)