ANG ASAWA ko po ay nagkaroon ng affair sa ibang babae nu’ng kami ay nagkahiwalay. Kami po ay legal na mag-asawa. Nabuntis po ang babae at ang itinuturong ama ay ang aking asawa. Masakit pong tanggapin na mas pabor pa ang aking biyenan sa naging
karelasyon ng asawa ko. Mas gusto pa nila na ang babaeng iyon ang pakisamahan ng asawa ko.
Sa ngayon po ay tatlong taon na ulit kaming
nagsasama ng asawa ko. Napag-alaman ko na apelyido ng asawa ko ang ginagamit ng bata. Pumirma po ang kapatid ng asawa ko sa birth certificate ng bata. Ginaya po ang pirma ng asawa ko. May bisa po ba iyon? Pakipaliwanag po sa akin.
Sa ngayon po ang babae at ‘yung bata ay nakatira sa bahay ng kuya. Pinsan po kasi ‘yung babae ng hipag ng asawa ko. Chief, sana po ay isa na ako sa matulungan niyo. Itago nyo po ako sa pangalang Ana Marie… maraming salamat po.
Naghihintay,
No comments:
Post a Comment