MARAMI ANG natuwa nang pirmahan ng Pangulo ang Republic
Act No. 10172 na nagpalawak pa sa sakop ng Clerical Error Law. Ito ang
batas sa pagtatama at pagpapalit ng mga detalye na nakalagay sa ating
mga birth certificate. Sa ngayon, maaari nang itama ang detalye ukol sa
pangalan, palayaw, araw ng kapanangakan, at kasarian ng isang tao na
nakalagay sa kanyang birth certificate, nang hindi na dumaraan sa korte.
Kinakailangan lamang na ang pagkakamali ay naging dulot lang ng maling
pagsulat o ispeling. Maaari ring palitan ang unang pangalan o palayaw ng
isang tao kung ito ay pinagmumulan ng kahihiyan, mahirap bigkasin o
isulat, o nagdudulot pagkalito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment