Showing posts with label Reynold Munsayac. Show all posts
Showing posts with label Reynold Munsayac. Show all posts
Tuesday, January 28, 2014
Tuesday, January 21, 2014
Tuesday, January 14, 2014
Tuesday, December 10, 2013
Tuesday, December 3, 2013
Passport Validity
PARA SA mga kababayan natin na madalas na lumalabas ng bansa, upang magtrabaho o kahit magbakasyon lang, mahalaga na malaman natin ang mga regulasyon kaugnay sa validity o expiration ng ating mga passport. Ano ang maaaring gawin halimbawang nasa airport ka na nang malaman mo na tatlong buwan na lang pala ang validity ng iyong passport? Maaari ka pa bang makalabas ng bansa para hindi naman masayang ang bayad mo sa tiket ng eroplano at sa hotel du’n sa lugar na iyong pupuntahan? Hindi ka ba haharangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration habang nandito pa sa Pilipinas?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 19, 2013
Laway Lang ang Puhunan
SA WAKAS, unti-unti nang umaabot sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda ang tulong mula sa gobyerno at ibang bansa. Naging mabagal ang pagbiyahe at pagdating ng relief goods na ito dahil sa matinding pagkawasak ng mga daan patungo sa mga barangay. Idagdag pa rito ang mga isyung pulitikal sa pagitan ng pambansang gobyerno at mga lokal na opisyal. Dumaan na nga sa kalamidad, maging ang pamamahagi ng tulong ay naging isang trahedya dahil sa pulitika.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 12, 2013
Agimat sa Dugo ng Pilipino
NAGDEKLARA NA ng “State of National Calamity” si Pangulong Benigno Aquino III matapos ang pagkasalanta ng maraming lalawigan dito sa ating bansa dulot ng bagyong si Yolanda. Hindi kayang ilarawan ng mga salita ang pinsala na sinapit ng ating mga kababayan sa mga apektadong lugar. Ang pagkawasak ng mga bahay ay naging sekundaryo na lamang kumpara sa dami ng mga buhay na nawala. Lalo pang nagpalubha sa kanilang kalagayan ang patuloy na gutom na kanilang dinaranas. Lubos na nahihirapan ang mga kinauukulan na maghatid ng tulong dahil sa kawalan pa ng komunikasyon at matinding pagkawasak ng mga daan at paliparan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 5, 2013
Chief Justice Andres Narvasa
MATINDING KALUNGKUTAN ang bumalot sa hanay ng hudikatura at legal na komunidad sa pagpanaw ni dating Chief Justice Andres Narvasa. Nakiramay ang buong bayan at maging ang mga pinakamatataas na opisyal ng gobyerno sa pagkawala ng isang luminaryo sa batas at kilalang mabuting tao. Binigyang-parangal din siya ng kapwa dating Chief Justice Hilario Davide, Jr. at ng mismong kasalukuyang Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ayon sa kanila, mananatiling buhay sa puso ng mga Pilipino si Chief Justice Narvasa dahil isa siyang taong may dignidad, katapatan, at mababang-loob.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 29, 2013
Barangay Impyerno
AYON SA COMELEC, naging matagumpay ang pagdaraos ng katatapos lamang na Barangay Elections. Bukod sa mataas na porsyento ng mga rehistradong botante ang pumunta sa mga presinto para makilahok sa pagpili ng kanilang mga susunod na barangay leaders, bumaba rin umano ang insidente ng karahasan na kaugnay ng nasabing eleksyon. Ganunpaman, talamak pa rin ang pamimili at pagbebenta ng mga boto. Marahil, isa na talaga itong kultura dahil nararamdaman ng mga mamamayan na tuwing eleksyon lamang sila may pagkakataon na makinabang sa mga tiwali nilang mga lingkod-bayan. Sabi nga ng isang botante, “tatlong taon kami ninanakawan eh, tuwing eleksyon lang naman kami nakakabawi nang bahagya.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 22, 2013
Asunto kay Ka Freddie?
MAINIT NGAYON ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng isang labing-anim na taong-gulang na nobya ng sikat na mang-aawit at kompositor na si Freddie Aguilar. Dahil sa layo ng agwat ng kanilang mga edad, hindi pumasa sa panlasa ng lipunan ang kanilang relasyon. Marami pa ang nagsasabi na maaari raw makasuhan si Freddie Aguilar dahil sa kanyang ginawa. May mga nagsasabi na puwede raw siyang ihabla ng “statutory rape”, “qualified seduction”, “simple seduction”, o “child abuse”, kung mapatutunayan na nagtatalik na sila ng kanyang nobya. Naaangkop nga ba ang mga krimen na ito sa kanilang relasyon?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 15, 2013
Gantimpala Para sa mga Taong-Grasa
NOONG NABUBUHAY pa ang aking lolo, makailang beses ko rin siyang
sinamahan papunta sa isang ATM machine upang mag-withdraw ng kanyang
benepisyo mula sa SSS. Tuwing lumalabas ang pera sa nasabing makina,
makikita ang pigil na ngiti sa kanyang mukha. Pigil, dahil alam niya na
hindi sapat ang halaga na kanyang matatanggap para sa kanyang pagkain at
mga gamot. Sa mahigit apatnapung taon ng pagtratrabaho at paghuhulog sa
SSS, dalawang libo lang ang kanyang nakukuha na pensyon sa isang buwan.
Ngunit may ngiti pa rin. Alam niya na, maliit man, ito ang perang
kanyang pinagpaguran na kinaltas ng gobyerno sa bawat buwan na siya ay
nagtatrabaho. Pangdagdag na pambili na lang sana ng bigas, kinukuha pa
ng SSS.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 8, 2013
Nahipan ng Hangin
NAKAPANGHIHILAKBOT ANG video na nagpapakita sa pagpatay
ng isang ama sa kanyang tatlong-taong gulang na anak na babae sa
pamamagitan ng paghampas ng ulo ng bata sa konkretong sahig sa labas ng
istasyon ng pulis sa Iloilo. Walang matinong tao ang hindi madudurog ang
puso sa marahas na kamatayan ng isang mumunting anghel. Mas marami pa
ang nabahala nang malaman nila na hindi makukulong ang nasabing ama
dahil wala umano ito sa katinuan nang gawin niya ang malupit na
pagpaslang sa kanyang sariling anak.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, October 1, 2013
Walang Pasok, Basa ang Chalk
LUBOS NA nakalulungkot ang patuloy na pagbagsak ng
kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng mga pampublikong paaralan dito sa
Pilipinas. Lumipas na yata talaga ang panahon na kayang-kayang sumabay,
kung ‘di man manaig, ng mga pampublikong paaralan laban sa mga mas mahal
na pribadong eskwelahan. Ito ay isang tunay na trahedya dahil inaasahan
pa naman ng lahat na ang libreng edukasyon ang maaaring gamiting
kasangkapan ng mga mahihirap upang maiangat ang kanilang mga estado sa
buhay. Ngunit kung ang antas ng karunungan na inaalok ngayon sa mga
pampublikong paaralan ay isa lamang pormalidad, isang seremonya upang
paniwalain ang mga mamamayan na ginagampanan ng gobyerno ang kanyang
tungkulin, ang pag-asa ng edukasyon ay isa lamang imahinasyon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, September 24, 2013
Kapatid ng Sinungaling
NAPAKAINGAY NGAYON ng mga pagkondena sa ginawang
“plagiarism” ng isang Mark Joseph Tajo Solis sa isang katatapos lang na
paligsahan ukol sa photography na itinaguyod ng Embahada ng Chile rito
sa Pilipinas. Sa nasabing paligsahan, inilahok ni Solis ang larawan ng
isang bata na tumutulong umano sa kanyang ama habang nangunguha ng lato
sa dagat matapos ang isang bagyo.
Pinalabas ni Solis na siya ang kumuha ng nabanggit na litrato kahit na kanya lamang pala itong napulot sa Internet mula sa pahina ng totoong may-ari na si Gregory John Smith na isang banyaga. Nagsinungaling pa si Solis nang ilahad na ang bata sa larawan ay nagmula umano sa Zamboanga City samantalang ito pala ay taga-Brazil. Sa kasamaang-palad, nanalo pa si Solis sa nasabing patimpalak at nag-uwi ng premyo para sa isang lahok na hindi naman talaga sa kanya. Ito ay isang malinaw na kaso ng “plagiarism”.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Pinalabas ni Solis na siya ang kumuha ng nabanggit na litrato kahit na kanya lamang pala itong napulot sa Internet mula sa pahina ng totoong may-ari na si Gregory John Smith na isang banyaga. Nagsinungaling pa si Solis nang ilahad na ang bata sa larawan ay nagmula umano sa Zamboanga City samantalang ito pala ay taga-Brazil. Sa kasamaang-palad, nanalo pa si Solis sa nasabing patimpalak at nag-uwi ng premyo para sa isang lahok na hindi naman talaga sa kanya. Ito ay isang malinaw na kaso ng “plagiarism”.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, September 17, 2013
Si Hamayni, si Pink Arriola, at si Tom Babauta
MARAMI ANG natuwa nang pirmahan ng Pangulo ang Republic
Act No. 10172 na nagpalawak pa sa sakop ng Clerical Error Law. Ito ang
batas sa pagtatama at pagpapalit ng mga detalye na nakalagay sa ating
mga birth certificate. Sa ngayon, maaari nang itama ang detalye ukol sa
pangalan, palayaw, araw ng kapanangakan, at kasarian ng isang tao na
nakalagay sa kanyang birth certificate, nang hindi na dumaraan sa korte.
Kinakailangan lamang na ang pagkakamali ay naging dulot lang ng maling
pagsulat o ispeling. Maaari ring palitan ang unang pangalan o palayaw ng
isang tao kung ito ay pinagmumulan ng kahihiyan, mahirap bigkasin o
isulat, o nagdudulot pagkalito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, September 10, 2013
Kasalanan ni Kuya Wali
BAHAGYANG NATABUNAN ang isyu ng katiwalian sa pork
barrel nang lumabas ang isang kontrobersya na mas pumukaw sa interes ng
taong-bayan. Napanood sa internet ang isang video umano ng komedyanteng
si Wally Bayola habang nakikipagtalik sa isang dancer na kasama rin niya
sa programang Eat Bulaga. Bago pa ito, naging maiinit din ang sex
videos ng sikat na singer na si Chito Miranda ng bandang Parokya ni
Edgar at ang nakuhanang pakikipagtalik umano ng isang piskal sa isang
batang abogada na topnotcher pa sa Bar Exam.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Wednesday, September 4, 2013
Kolesterol ng Pagkagahaman
MATAPOS ANG matagumpay na “Million People March” na
ginanap sa Luneta noong nakaraang Linggo, isang malawakang pagkilos
laban sa pork barrel ang inihahanda na naman ng taong-bayan. Sa
pagkakataong ito, gaganapin sa makasaysayang EDSA ang susunod na
protesta laban sa katiwalian na binansagang “Edsa Tayo”.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)