NOONG NABUBUHAY pa ang aking lolo, makailang beses ko rin siyang
sinamahan papunta sa isang ATM machine upang mag-withdraw ng kanyang
benepisyo mula sa SSS. Tuwing lumalabas ang pera sa nasabing makina,
makikita ang pigil na ngiti sa kanyang mukha. Pigil, dahil alam niya na
hindi sapat ang halaga na kanyang matatanggap para sa kanyang pagkain at
mga gamot. Sa mahigit apatnapung taon ng pagtratrabaho at paghuhulog sa
SSS, dalawang libo lang ang kanyang nakukuha na pensyon sa isang buwan.
Ngunit may ngiti pa rin. Alam niya na, maliit man, ito ang perang
kanyang pinagpaguran na kinaltas ng gobyerno sa bawat buwan na siya ay
nagtatrabaho. Pangdagdag na pambili na lang sana ng bigas, kinukuha pa
ng SSS.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment