PAGKATAPOS NG madugong bakbakan sa Zamboanga, balik na naman
sa pagpupulong ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para
sa masusing 41st exploratory talks upang pag-usapan ang power-sharing.
Ito ay isa sa apat na nalalabing bahagi ng comprehensive agreement na
nakatakdang pirmahan ng dalawang panig ngayong taon.
Isang kumpletong Framework Agreement kasi ang magiging basehan para
makagawa ng enabling law na ipapasa ng Kongreso para maging lehitimo ang
pagpalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Dapat tutukan at gawing masusi ang paggawa ng isang balanseng polisya
para sa power-sharing dahil isa ito sa mga masalimuot na bahagi ng
Framework. Kailangan ding tiyakin ng gobyerno at MILF na sa pagkakataong
ito ay magkakaroon ng representasyon ang lahat ng sektor sa Mindanao.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment