Sunday, December 8, 2013

Pamemeke ng Dokumento


Dear Atty. Acosta,
SUMULAT AKO sa inyo dahil nababasa ko ang inyong column sa Pinoy Parazzi at naisip ko na maaaring kayo po ang makasagot sa mga katanungan ko, at kayo na rin ang makapagsabi sa akin kung ano ang kahihinatnan ng kaso laban sa akin at kung talaga bang dapat akong isama sa mga sinampahan ng kaso.
May kapirasong lote na iniwan sa akin ang aking lola na isang matandang dalaga. Kapatid po siya ng lola ko sa ina. Ang loteng ito ay parte ng isang malaking lote na dating pagmamay-ari ng aking mga lola. Naisangla po ng lola ko sa ina ang parte niya sa lote at hindi na ito natubos, kung kaya’t naging buo na ang pagmamay-ari ng kanyang napagsanglaan. May parte ng lupa na napatituluhan na ng mag-asawang naging may-ari nito at may ilang parte ang hindi pa napapatituluhan, kasama na po ang parteng iniwan sa akin ng aking lola.
Isang araw ay niyaya ako ng anak ng may-ari ng lote na patituluhan ang parteng wala pang titulo at isabay ko na raw ang pagpapatitulo ng aking parte. Dahil sa nais kong magkaroon ng titulo ay pumayag ako na magbayad ng halagang P26,000.00. Sila na raw ang maglalakad ng aking mga papeles. Pumirma lamang ako sa segregation of property at sa isang deed of sale, bilang saksi. Mula po nang mapatituluhan ko ang lote ko ay nagbabayad ako ng amilyar.
Nalaman ko na lamang na nagsampa ng kasong falsification ang panganay na anak ng mag-asawang may-ari ng lupa laban sa kanyang mga kapatid. Isinama ako sa mga kinasuhan dahil saksi raw ako sa deed of sale at sa tingin niya ay nakipagkuntsabahan ako sa kanyang mga kapatid. Pati ang pinsang-buo nila na kasama kong naging saksi sa nasabing deed of sale ay isinama nila sa mga kinasuhan. Na-dismiss po ang kaso ngunit ito ay inapela at kasalukuyang dinidinig sa hukuman.

No comments:

Post a Comment