Sunday, December 8, 2013
Rehabilitation czar
NO BA ang ibig sabihin ng Rehabilitation czar? Tila maraming natuwa sa posisyong ibinigay ni PNoy kay former Senator Panfilo Lacson bilang Rehabilitation czar ng mga nasalantang lugar ni bagyong Yolanda. May ilang nagduda at nagbigay ng negatibong komento rin para sa dating Senador. Pero ano nga ba ang tungkulin at gaga-wing trabaho ni Lacson?
Kung pagbabasehan ang naaprubahan na rehabilitation at reconstruction fund ng Senado na P12 billion, ito’y ipagagamit lamang sa mga “implementing agencies” ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Francis Escudero. Ang ibig sabihin ay hindi si Lacson ang magpapatupad ng rehabilitation at reconstruction funds na ito.
Ngayon, kung hindi ang Rehab czar ang gagawa nito, ano ang gagawin niya? Nasa kapangyarihan ng Pangulo ang aabot sa P143.5 billion na pondo para ibangon ang mga lugar na sinalanta, hindi lamang ng bagyong Yolanda kundi pati na rin ng iba pang malalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment