Showing posts with label Yolanda. Show all posts
Showing posts with label Yolanda. Show all posts
Friday, January 17, 2014
Thursday, December 19, 2013
Saturday, December 14, 2013
Tuesday, December 10, 2013
Sunday, December 8, 2013
Rehabilitation czar
NO BA ang ibig sabihin ng Rehabilitation czar? Tila maraming natuwa sa posisyong ibinigay ni PNoy kay former Senator Panfilo Lacson bilang Rehabilitation czar ng mga nasalantang lugar ni bagyong Yolanda. May ilang nagduda at nagbigay ng negatibong komento rin para sa dating Senador. Pero ano nga ba ang tungkulin at gaga-wing trabaho ni Lacson?
Kung pagbabasehan ang naaprubahan na rehabilitation at reconstruction fund ng Senado na P12 billion, ito’y ipagagamit lamang sa mga “implementing agencies” ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Francis Escudero. Ang ibig sabihin ay hindi si Lacson ang magpapatupad ng rehabilitation at reconstruction funds na ito.
Ngayon, kung hindi ang Rehab czar ang gagawa nito, ano ang gagawin niya? Nasa kapangyarihan ng Pangulo ang aabot sa P143.5 billion na pondo para ibangon ang mga lugar na sinalanta, hindi lamang ng bagyong Yolanda kundi pati na rin ng iba pang malalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, December 1, 2013
Angel Locsin, nagsalita na sa isyu ng break-up nila ni Phil Younghusband
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, binasag na ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik tungkol sa break-up nila ni Phil Younghusband.
Ayon kay Angel, masasabi niyang nasa proseso na siya ng moving on dahil wala naman siyang choice kundi tanggapin ang nangyari, ipasa-Diyos ang lahat at magpatuloy sa buhay. Aminadong bukas pa rin ang komunikasyon nila ni Phil, nagkaka-text pa rin sila hanggang ngayon, pero iwas silang magkita para na rin mas madaling makapag-move on.
Klinaro rin ang iba’t ibang balita na lumabas na dahilan daw ng break-up nila ng Azkal player, una na rito ay ang usapang pera. Nakarating sa aktres ang usap-usapang ito at ayon kay Angel ay hindi nila ito napag-usapan ng ex kung kaya’t pinagtatakhan niya na may ganitong balita na lumabas.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Papunta sa charity event para sa mga biktima ng Yolanda Fast & Furious star Paul Walker, patay sa car accident
IN FAIRNESS, mukhang magaganda ang lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival sa Pasko, huh! Bumubugbog na ng trailer ang mga production outfit, tulad ng Star Cinema na merong two entries: ang Pagpag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
At ‘yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy naman na pinagbibidahan ni Vice Ganda na trailer pa lang ay tawa na nang tawa ang mga tao with matching pangako to self na, “Ah, panonoorin ko ‘to sa Pasko!”
Siyempre pa, nandiyan din ang Hari ng Pasko na si Bossing Vic Sotto kung saan ipinagpahinga na muna niya si Enteng Kabisote, dahil this time, walang magic-magic. Situational ang mga kaganapan sa My Little Bossings, kung saan kasama rin dito sina Kris Aquino, Ryzza Mae Show… este, Dizon at ito na bale ang launching movie ng anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 26, 2013
Freddie Aguilar, ginamit ang relihiyon para makalusot sa kaso?!
TALAGANG KA Freddie Aguilar would go around the law, maipilit lang niya ang kanilang pagpapakasal ng kanyang 16 year-old girlfriend (the girl turns 17 on November 29, still short of one year before she’s allowed to marry under Philippine laws).
The legendary folk singer has resorted to conversion from a Born-Again Christian to an Islam, kung saan sa ilalim ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines ay maaaring ikasal ang sinumang lalaki na kinse anyos ang gulang.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, November 19, 2013
Cristine Reyes, nilalandi ulit si Rayver Cruz?!
NOW THAT she’s single again ay mukhang nilalandi ni Cristine Reyes ang ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.
Parang nagpapahiwatig kasi siya na gusto niyang makasama sa gimikan ang binata.
Inimbitahan pa nga ni Cristine si Rayver na samahan siya sa premiere night ng kanyang movie. Ewan lang kung magkakaroon ng time ang dancer-actor sa kanya.
“Hi excy @rayvercruz done taping #ggv #gandanggabivice for the promotion of my movie #WhenTheLoveIsGone on November 27th and invitation na rin sa premiere night sa NOV 26th 6PM sa glorietta and NOV 26th din sa SM Megamall 8PM naman,” tweet ni Cristine.
Does this mean na Cristine has not forgotten Rayver? O baka naman all she wants is his company.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Arjo Atayde, nanliligaw kay Coleen Garcia?!
CONGRATULATIONS SA napaka-successful na second night ng special benefit show ni Vice Ganda na ginanap muli sa Laffline Comedy Bar sa Timog Ave., sa QC, dahil mas malaki raw ito kumpara sa Punchline Comedy Bar sa Quezon Ave., sa QC rin na iisa ang may-ari, nitong Monday lang ng gabi.
Ayon sa isa sa managers ng Laffline at kaibigan namin na si Orli Domingo, alas-siyete pa lang daw ng gabi o mas maaga pa ay napakahaba na raw ng pila sa labas ng naturang comedy bar na halos umabot na sa susunod na kanto.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, likas ang pagtulong sa nangangailangan
AS ALWAYS, bukas ang palad ni Sharon Cuneta sa mga taong nangangailangan talaga ng tulong. Lalo na sa trahedyang nangyari sa Ormoc, Samar, Tacloban, Leyte, Cebu, Palawan at iba pang probinsiya dinaanan ng super typhoon Yolanda. Agad-agad nagbigay ng donasyon ang Megastar ng P10 million sa mga naging biktima ng bagyo. Maging si KC Concepcion ay nagbigay rin ng P5 million sa Sagip Kapamilya, tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng super typhoon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, November 17, 2013
Rhian Ramos, humihingi ng donasyon diretso sa personal bank account?!
BINABATIKOS NGAYON sa social media si Rhian Ramos, dahil ba’t daw humihingi ito ng perang donasyon mula sa kanyang mga followers na ididiretso sa kanyang personal bank account? Ba’t daw hindi sa Red Cross niya ipadiretso o sa Kapuso Foundation?
Actually, 150 pesos lang ang hinihingi ni Rhian para sa kapalit na fan sign na kanyang ipadadala sa supporter niya. Basta ihuhulog sa kanyang personal account at kukunan ng picture ‘yung deposit slip at hihintayin na lamang nito ang kanyang fan sign.
Kami ay naniniwala na hindi inisip ni Rhian na siya’y pagdududahan, dahil buo ang kanyang loob na ang lahat ng malilikom niya ay alam niya sa sariling ididiretso niya sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Bayanihan ng Kabataan
NOONG ISANG linggo lamang, sinalanta ang Pilipinas ng super bagyo na si Yolanda. Pinakatinamaan nang husto ang mga lugar partikular na sa Leyte. Biruin mo ba naman, sa kauna-unahang pagkakataon, itinaas sa Signal 4 ang mga lugar sa Visayas. Itinala rin na ang super bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo.
Sinalanta nang husto ang mga probinsya at bayan sa Leyte. Halos mabura ito sa mapa. At halos humigit kumulang 2,500 katao na ang nasawi. Sa mga ganitong pagkakataon, nagkapit-bisig ang buong bansa sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino na may napakahirap na pinagdadaanan ngayon. Nawalan na nga sila ng tirahan, nawalan pa sila ng mga mahal sa buhay. Sa mga kaganapan na ito sa ating buhay, pinatunayan lang nating mga bagets na ang pagtulong ay walang pinipiling edad. Hindi porke’t bata ka pa, wala kang kayng maiambag sa bansa. Pinatunayan nating na mali iyon. Bakit? Kasi sa mga simpleng “gawaing pambagets” nakatulong tayo.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Saturday, November 16, 2013
Devastation and Aftermath
UNA AY nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga naulila, sa mga kababayan nating nawalan ng mga ari-arian at mga nagugutom. Idinudulog ko sa May Likha na sana ay tatagan ang kanilang kalooban at isipan sa mga pinsala at bangungot na dinulot ng super typhoon Yolanda. Pasasaan ba’t malalampasan din natin ito.
Ang mga nakita nating nakawan ng pagkain at anumang lootable items ay sa dahilang desperado na ang mga biktima ng unos na naganap.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, November 15, 2013
Kris Aquino, manhid na sa mga batikos
NAKATUTUWA NA laging nangunguna ang mga artista sa pakikisimpatya at pagtulong sa mga nagiging biktima ng kalamidad. Tulad na lamang nitong nagdaang bagyong Yolanda na halos burahin sa mapa ang Tacloban, Samar, Leyte, ilang towns din sa Cebu at sa Aklan at sa Palawan.
As always, consistent diyan sina Angel Locsin at Anne Curtis na nagga-garage sale para kung magkano ang mabebenta ay ‘yun ang kanilang ambag, bukod pa sa sarili nilang pera.
Si Anne ay nangangalampag na manood ang mga kababayan ng kanyang show sa Midlle East at ang buong talent fee niya roon ay ido-donate niya sa typhoon victims.
Si Angel ay laging nakadikit naman sa Red Cross.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Labels:
aiko melendez,
Aklan,
angel locsin,
Anne Curtis,
cebu,
Kris Aquino,
KrisTV,
Leyte,
Lucy Torres-Gomez,
Midlle East,
Mirriam Quiambao,
Ormoc,
Palawan,
Red Cross,
Regine Velasquez,
Samar,
Tacloban,
Yolanda,
Zirkoh Morato
Korina Sanchez, umiiwas sa natatanggap na batikos sa social media?!
BATIKOS ANG tinatanggap sa ngayon ni Korina Sanchez sa mga netizen dahil sa pamba-blind item na ginawa nito sa isang CNN correspondent na halata naman daw na si Anderson Cooper ang pinatatamaan niya nang sabihing mali-mali ang ipinararating na mga balita tungkol sa mga kaganapan sa Tacloban.
Sa mga report kasi ni Anderson, nabanggit nito na kaawa-awa ang kalagayan ng mga kabababyan natin sa Tacloban dahil bukod sa wala pang relief goods na nakararating sa ating kababayan, nakakalat pa rin ang mga bangkay at wala pang ginagawang aksyon ang gobyerno sa sitwasyon ng mga tao roon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Cristina Gonzales, mas inuna ang pagpapa-interview kaysa tulungan ang kababayan
HINDI KO maintindihan kung bakit at ano ang rason. Hindi ko rin batid kung bakit kailangan niyang magpa-interview at mag-hold ng presscon from her own budget.
Ngayon, Tacloban City Councilor Cristina Gonzales-Romualdez, matapos kang magpa-presscon noong Martes sa isang magarang restaurant na naghahain ng masasarap na Japanese food sa The Fort para ikuwento ang “survival story” mo at sabihin na buhay ka at ang pamilya mo matapos ang delubyong dala ng bagyong Yolanda sa Tacloban, siguro naman marunong ka nang tumingin sa kapaligiran mo na libu-libo ang naging biktima at mga namatay na mga constituents n’yo ng mister mong si Tacloban Mayor Alfred Romualdez bago kayo umangal dahil sa kumakalat na “tsismis” na nawawala kayo matapos ang delubyo.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, November 10, 2013
Dingdong Dantes, nag-iikot na para matulungan ang mga biktima ni ‘Yolanda’
NAKALULUNGKOT, NAKAPANGHIHILABOT ang iniwan ng bagsik ng bagyong Yolanda na sumalanta sa Kabisayaan.
Mabuti na lang at nakapaghanda tayo nang mabuti. Pero ang isa sa nakalulungkot, pati ang evacuees na buong akala nila ay safe na sila dahil nakapag-evacuate, nadale pa rin.
‘Yung ang nangyari sa Tacloban, Leyte kaya ang dami pa ring casualties at nakalulungkot talaga.
Ang maganda lang sa ating mga Pinoy, nakahanda rin ang lahat para tumulong.
Halos lahat ng network ngayon, may telethon para makalikom ng sapat na salapi para sa mga nasalanta ng bagyo. Kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)